Indanan, Sulu – Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa puwersa ng gobyerno sa Brgy. Tungkay, Indanan, Sulu, nitong Linggo, Abril 10, 2022.
Kinilala ni Police Major Edwin Sapa, Chief of Police ng Indanan Municipal Police Station ang mga sumuko na si alyas “Abon”, 52; at alyas “Tutoh” 26, na parehong residente ng Parang, Sulu.
Kasabay ng kanilang boluntaryong pagsuko ay bitbit din nila ang kanilang mga armas na isinuko din sa pamahalaan kabilang na dito ang isang yunit ng caliber 9mm, improvised UZI at magazine na may limang bala.
Napadali ang pagsuko ng dalawa dahil sa isinagawang Intelligence Driven Operation na pinangunahan ng PNP Intelligence Unit kasama ang Indanan MPS, Zamboanga City Intelligence Team, Regional Intelligence Unit 9, CTD-PNP IG, Regional Intelligence Division PRO BAR at PNP SAF FIID SIU SIT 9.
Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa mga sumuko ay ilang beses na nilang naka-engkwentro ang ating Government troops at kinidnap ang ilang personalidad.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Zamboanga City Intelligence Team ang mga sumuko at ang mga armas naman ay nasa pangangalaga ng Sulu Crime Laboratory Office.
Labis na natutuwa ang PNP dahil sa patuloy na pagsuko sa ating pamahalan ng mga miyembro ng teroristang grupo para magbagong buhay.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia
Sana all sumuko na tagumpay para sa mga kapulisan