Labo, Camarines Norte – Arestado ang Top 9 Wanted Person (Municipal Level) ng Camarines Norte sa manhunt operation ng Labo PNP nitong Biyernes, Abril 8, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Juancho Ibis, Chief of Police ng Labo Municipal Police Station, ang suspek na si alyas Jeloy, 23, residente ng Purok 1, Barangay Sta. Milagrosa, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ibis, bandang 5:10 ng hapon naaresto ang suspek sa nasabing barangay ng mga operatiba ng Labo Municipal Police Station.
Ayon pa kay Police Lieutenant Colonel Ibis, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 counts na paglabag sa Section 5 (B) Article lll ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may rekomendadong piyansa na Php200,000 sa bawat kaso.
Ang Labo PNP ay pinuri ni Police Colonel Julius Guadamor, Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office sa tagumpay na paghuli sa most wanted person sa lalawigan.
Samantala, hinikayat din ng PNP ang mga mamamayan na makipagtulungan at makikiisa sa kampanya laban sa mga wanted person para sa ligtas at tahimik na pamayanan.
Source: Labo Municipal Police Station
###
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia
Husay tlaga ng PNP