Tuguegarao City, Cagayan – Matagumpay na ipinagdiwang ng Police Provincial Office 2 ang ika-80 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan noong Abril 8, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Brigadier General Steve Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2 kasama ang iba pang miyembro ng Command Group at mga tauhan ng PNP-PRO2.
Ang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng aktibidad ay si Police Major General Bartolome Bustamante, Director, Directorate for Plans, PNP National Headquarters.
Ang aktibidad ay bilang pagtalima sa Philippine Veterans Week at ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan na may temang “Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng Nagkakaisang Pilipino”.
Nagkaroon ng wreath laying ceremony at blessing ng PRO2 Heroes Memorial Headstone sa pangunguna ni Police Captain Rhey Dollesin, Regional Pastoral Officer-PRO 2.
Itinampok din sa aktibidad ang Gun salute at sounding of taps bilang parangal sa katapangan, katatagan at sakripisyo ng mga beterano at bayaning Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay sa pagtatanggol sa bansang Pilipinas.
Ang pagdiriwang ng 2022 Philippine Veterans Week at 80th Anniversary ng “Araw ng Kagitingan” ay ayon sa Presidential Proclamation No. 466, series of 1989 na nagdedeklara sa Abril 9 ng bawat taon bilang “Araw ng Kagitingan” at Executive Order No. 203, series of 1987 na nakasaad na ang Abril 5-11 bawat taon bilang Linggo ng mga Beterano ng Pilipinas.
Source: PRO2-RPIO
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi
Godbless PNP mabuhay po kayo mam/sir
🥰
👍🏻
GOD BLESS