Monday, November 18, 2024

2 pulis, nahaharap sa dismissal matapos iligal na magbenta ng Tocilizumab at mangikil

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa Internal Affairs Service (IAS) na madaliin ang imbestigasyon hinggil sa dalawang (2) pulis na naaresto sa magkahiwalay na operasyon dahil sa iligal na gawain.

Arestado sa operasyon ng National Bureau of Investigation sa Quezon City ang suspek na si Police Staff Sergeant Ariel Yalung dahil sa iligal na pagbebenta ng overpriced Tocilizumab na gamot para sa mga pasyente ng COVID-19.

Ikinasa ng NBI ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo na may 2-katao na nagbebenta online ng Tocilizumab sa halagang Php95,000. Ang presyo ng naturang gamot ay Php25,000 lamang.

Samantala, nahuli naman si Police Staff Sergeant June Angeles sa entrapment operation ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) matapos mangikil sa asawa ng isang bilanggo sa San Mateo, Rizal.

Tiniyak ni PGen Eleazar na matatanggal sa serbisyo sina Yalung at Angeles.

“Nakakulong na at nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang dalawang (2) pulis na ito at ipinapangako natin sa ating mga kababayan na patuloy ang aming gagawing paglilinis ng mga anay sa aming hanay,” giit ng hepe.

Hinimok din ni PNP Chief ang publiko na agad isumbong sa mga awtoridad ang mga pulis na sangkot sa mga iligal na gawain.

Photo Courtesy: mb.com.ph

#####

Article by Police Corporal Josephine T Blance

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles