Tayug, Pangasinan – Naaresto ang Top 9 Most Wanted Person ng Tayug, Pangasinan ng mga PNP noong Huwebes, Abril 7, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Franklin Ortiz, Force Commander ng Tayug Mobile Force Commander, ang suspek na si Primo Meneses y Fontanilla, 71, may asawa, businessman, at nakatira sa Barangay Lawak, Tayug, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Ortiz, bandang 11:40 ng gabi naaresto ang suspek sa nasabing barangay ng pinagsanib na puwersa ng operatiba ng Tayug Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit PRO1 at Provincial Intelligence Unit-Pangasinan Police Provincial Office.
Ayon pa kay PLtCol Ortiz, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Lasciviousness Conduct sa ilalim ng Sec. 5 (B) ng RA 7610 na may rekomendadong piyansa na Php180,000 bawat isa at Rape Through Sexual Assault na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang PNP ay magpapatuloy na tutugisin ang mga taong may pananagutan at nagtatago sa batas at sisiguraduhin din na mabigyan ng hustisya ang mga nagiging biktima ng krimen.
Source: Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan