Davao Region – Sumuko ang pitong Communist NPA Terrorists (CNTs) sa pwersa ng gobyerno sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Davao de Oro at sa Davao del Norte noong Abril 4 at Abril 5, 2022.
Katuwang ang mga tauhan ng 60th Infantry “Mediator” Battalion sumuko ang tatlong CNT mula sa Guerilla Front 3, dala ang dalawang M16 rifles, samu’t saring medical paraphernalia, at war material sa Sitio Bagtok, Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao del Norte noong Abril 5, 2022.
Gayundin, apat na CNT mula sa Guerilla Front 2 ang sumuko sa 66th Infantry “Kabalikat” Battalion sa Purok Kalantas, Barangay Macagong, Maragusan, Davao de Oro noong Abril 4, 2022.
Gutom, pag-abandona at panlipunang panggigipit mula sa komunidad, kakulangan ng mga panustos at panghihikayat mula sa kanilang dating kasamahan na sumuko ang nagtulak kina alyas “Jisie”, “Eljen”, “Wanwan”, “Dencio”, “Bernon”, “Gorio” at “Yanyan” upang sumuko at magbalik-loob.
Pinapurihan ni MGen Nolasco Mempin, 10ID Commander ang tropa para sa ligtas na pagbabalik ng mga dating rebelde habang nagpapatuloy ang hakbang ng gobyerno para mapuksa ang insurhensiya sa Southern Mindanao.
“Patuloy nating susuportahan at tutulungan ang ating mga dating rebelde sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng gobyerno sa kanilang paglipat tungo sa isang mapayapa at produktibong paraan ng pamumuhay. Makatitiyak kayo na ang kanilang pagsuko ay hindi ilalagay sa walang kabuluhan”, ani MGen Mempin.
Patuloy din ang panawagan ng PNP at AFP na sumuko na ang mga natitirang miyembro ng mga makakaliwang grupo at yakapin ang payapa, malayo sa dahas at panibagong buhay na kasama ang kani-kanilang pamilya.
Source: Kalinaw News
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita
Tunay n may puso at malasakit ang PNP salamat