Davao City – Arestado sa kasong murder at 2 counts of frustrated murder ang walong miyembro ng Milisyang Bayan ng mga operatiba ng Paquibato PNP sa bisa ng Warrant of Arrest, nito lamang Miyerkules, Abril 6, 2022.
Kinilala ni Police Major Joenel Pederio, Station Commander ng Paquibato Police Station 7, ang mga suspek na sina Jerry Oblianda Madrona, 49; Rodrigo Laydan Enlog, 60; Roldan Banatao Enlog, 30; Ramel Raganas Barwado, 47; Emeliano Dela Peña Navarro, 40; Henry Jauban Catayas, 31; Reynante Lindo Ayag, 36; at Juvelyn Prietos Gualdajara, 40; na pawang mga residente ng Brgy. Paquibato Proper at Brgy. Paradise Embac, Paquibato District, Davao City.
Ayon kay PMaj Pederio, naaresto ang mga suspek sa Purok Perfect Harmony, Malabog, Paquibato District, Davao City ng pinagsanib na puwersa ng Paquibato Police Station 7, City Intelligence Unit (CIU), 3rd Platoon City Mobile Force Company (CMFC), Regional Intelligence Unit (RIU) 11, Revitalized-Pulis sa Barangay Paquibato, 1104th at 1105th MC RMFB 11.
Samantala, pinuri naman ni Police Regional Office 11, Regional Director, PBGen Benjamin Silo Jr. ang matagumpay na operasyon ng PS 7 kung saan isa lamang sa patuloy na pagsisikap ng pamunuan upang hulihin ang lahat ng wanted person sa rehiyon kabilang na ang mga teroristang grupo.
###
Panulat ni Patrolman Alfred D Vergara