Nahuli ng PNP CIDG Regional Field Unit 8 ang dalawa sa Leyte’s Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt operations sa Leyte at Tacloban City nito lamang Martes, Abril 5, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Noe Isaac Villegas, Regional Chief, RFU 8, ang naarestong Number 7 MWP na si Jeir Cospada y Palmes, 23, magsasaka, residente ng Caghalo, Carigara, Leyte.
Ayon kay PCol Villegas, si Cospada ay naaresto bandang 10:18 ng umaga sa Brgy. Baybay, Carigara ng pinagsanib pwersa ng mga operatiba ng CIDG Northern Leyte Provincial Field Unit katuwang ang local PNP units sa bisa ng Warrant of Arrest sa krimeng Panggagahasa.
Napag-alaman sa pagsisiyasat na noong Enero 2021, sekswal na binastos ng suspek ang kanyang biktima habang nasa ilalim umano ng impluwensya ng alak. Personal na nagsumbong ang biktima kasama ang kanyang mga lolo’t lola at nagsampa ng kanilang reklamo sa Carigara Police Station.
Samantala, kinilala naman ni PCol Villegas ang isang pang nahuling Number 8 MWP na si Romell Basilan y Ubaldo, 38, businessman, residente ng Zone 1, Brgy. Libertad, Palo, Leyte.
Ayon kay PCol Villegas, si Basilan ay nahuli dakong 11:05 ng umaga sa Brgy 29, Tacloban City, ng mga detective ng CIDG Western Samar katuwang ang PNP local units sa bisa ng Warrants of Arrest sa kasong 8 counts ng Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610 at 6 counts sa paglabag sa Sec. 10 (A) ng RA 7610.
Alinsunod dito, noong Setyembre ng 2018, binigyang-kasiyahan ni Basilan ang kanyang sekswal na pagnanasa at gumawa ng kahalayan sa isang 11-taong-gulang na batang babae na nakasakay sa kanyang motorsiklo.
Ang CIDG sa ilalim ng pamumuno ni PMGen Eliseo Cruz, CIDG Director, ay mahigpit na tutuparin ang kanyang mandato at walang humpay sa pagsasagawa ng manhunt operations sa pamamagitan ng program thrust nito na kilala bilang OPLAN PAGTUGIS para subaybayan ang mga nagkasala na wanted ng batas.
Source: https://www.facebook.com/cidg.pio/posts/346518780849078
By: Police Master Sergeant Leah Lyn Q Valero