Davao del Sur – Namahagi ng 8,000 tilapia fingerlings ang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Darapuay sa Peoples Organization (PO) sa Purok 6, Sitio Lower Mantalaki, Brgy. Darapuay, Bansalan, Davao del Sur, nito lamang Miyerkules, Abril 6, 2022.
Sa pangunguna ni PLt Jergie Carumba, Team Leader R-PSB Darapuay ay matagumpay na naipamahagi ang tilapia fingerlings sa Santisima Fisher Folk Association na binuo ng R-PSB na siyang makatutulong sa grupo na mabuo at mapanatili ang kanilang napiling livelihood program.
Ang proyektong ito ay isa lamang sa Quick Impact Project (QIP) ng R-PSB Darapuay na malaki ang maitutulong sa organisasyon sapagkat ito ang isa sa kanilang magiging pagkakakitaan lalo na kapag napalago nila ito.
Dahil dito, sobra ang pasasalamat ng organisasyon sa pangunguna ni Ginoong Isabelo Meñiza, Presidente ng Santisima Fisher Folk Association sa R-PSB Darapuay dahil sa ganitong programa na kanilang ipinagkaloob sa mga tulad nilang kailangan ng suporta lalo na para sa kanilang hanapbuhay.
Patuloy naman ang ganitong proyekto ng PRO 11 sa ilalim ng R-PSB sa pagpapaabot ng tulong lalo na sa mga kababayan sa bawat Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDAS upang maitawid ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.
###Â Â Â Â Â
Panulat ni Patrolman Rhod Evan Andrade