PRO 3 at Climate Change Commission, pinagtibay ang ugnayan para sa climate resilience at disaster Preparedness

0
635

Pinagtibay ng Police Regional Office 3 (PRO3) at ng Climate Change Commission (CCC) ang kanilang matibay na ugnayan sa isang courtesy meeting na ginanap noong Enero 19, 2026, sa Stakeholders Lounge ng Camp Captain Julian Olivas.

Pinangunahan ang pagpupulong ni PBGen Ponce Rogelio I. PeƱones Jr., Regional Director ng PRO3, kasama si Hon. Albert P. Dela Cruz Sr. ng CCC, bilang bahagi ng patuloy na hakbang ng PNP sa pagsusulong ng ligtas at matatag na mga komunidad sa Central Luzon.

Sa naturang pulong, muling pinagtibay ang koordinasyon at pakikipagtulungan ng dalawang ahensya sa usapin ng climate resilience at disaster preparedness. Tinalakay ang kahalagahan ng maagap na paghahanda at pagtutulungan upang epektibong matugunan ang mga banta ng sakuna na dulot ng climate change, lalo na sa mga komunidad na madalas maapektuhan ng pagbaha, bagyo, at iba pang kalamidad.

Binigyang-diin ni PBGen PeƱones ang mahalagang papel ng PNP hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi pati sa disaster risk reduction and management. Ayon sa kanya, handa ang PRO 3 na makipag-ugnayan sa CCC upang mapalakas ang information sharing, capacity building, at inter-agency coordination para sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa panahon ng sakuna.

Sa pagtatapos ng pulong, kapwa nagpahayag ang PRO3 at ang Climate Change Commission ng kanilang matatag na paninindigan na ipagpatuloy ang sama-samang inisyatiba para sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan. Ang pagpupulong na ito ay patunay ng pagiging proaktibo ng pamunuan ng PNP sa pagharap sa mga hamon ng climate change, kasabay ng layuning mapanatili ang isang ligtas, handa, at matatag na mga komunidad.

Source: PRO 3