Snatcher, arestado dahil sa nalaglag na ID at phone tracker app na ginamit ng biktima sa Quezon City

0
718

Arestado ang isang 35 anyos na lalaking snatcher dahil sa nalaglag na ID nang hablutin ang isang cellphone na nagkakahalaga ng Php30,000 at ginamit ng biktima ang tracking application sa kanyang laptop para matunton ang lokasyon ng ini-snatch na cellphone sa Barangay Sacred Heart, Quezon City nito lamang Biyernes, Enero 16, 2026.

Ayon kay Police Colonel Zachary Capellan, Station Commander ng Quezon City Police District Station 10, nagtugma ang lokasyon ng tracking system sa address na nakasaad sa ID ng suspek kaya agad ikinasa ang operasyon ng kapulisan at nabawi ang cellphone at isang improvised firearm.

Nahaharap sa kasong Theft at paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2002”.

“Patuloy pong pinapaalam sa publiko na wag tayong gumagamit ng cellphone lalong lalo na po sa mga lugar kung saan vulnerable ang mga victim natin so kung maaari itago yung cellphone habang naglalakad mas maganda po,” saad ni PCol Capellan.

Source:  https://www.abs-cbn.com/news/nation/2026/1/18/snatcher-sa-qc-timbog-dahil-sa-nalaglag-na-id-phone-tracker-app-0942