Sunday, November 24, 2024

PBGen Banac, bumisita at nagbigay pugay sa burol ng dalawang pulis na nasawi sa N. Samar ambush

Las Navas, Northern Samar – Bumiyahe sa Northern Samar si PBGen Bernard Banac, Regional Director ng PRO 8 nitong ika-7 ng Abril 2022 para bisitahin ang burol nina Patrolman Harvie C Lovino, Jr at Patrolman Rico J Borja ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company (NSPMFC) na parehong namatay sa isang insidente ng pananambang kamakailan sa pamamagitan ng paggamit ng Anti-Personnel Mine (APM) na ginawa ng mga miyembro ng CTGs sa paligid ng Brgy. San Miguel, Las Navas, Northern Samar noong Abril 4, 2022.

Si PBGen Banac ay personal na nagpaabot ng pakikiramay sa mga nagdadalamhating pamilya nina Pat Lovino, sa Poblacion Norte, San Isidro, Northern Samar at sa pamilya naman ni Pat Borja sa Caimito St. Brgy, Daganas sa Catarman sa parehong probinsya.

Nagbigay-pugay si PBGen Banac sa dalawang nasawing pulis at ginawaran ang mga ito ng posthumous award na “Medalya ng Kadakilaan” bilang pagkilala sa kahanga-hangang pagpapakita nilang kabayanihan para sa ating bayan.

Nagpaabot din ito ng tulong pinansyal sa mga naulilang pamilya, kabilang din sa tumulong ay ang opisina ng Regional Executive Senior Police Office sa pamumuno ni PEMS Gerardo Batula, RESPO, PRO 8 at ang opisina ng PSMBFI.

Bagamat nagluluksa rin, hinimok ni PBGen Banac ang mga naulilang pamilya na manatiling matatag at huwag matakot sapagkat kasama nila ang PNP sa pagkamit ng hustisya para sa mga nasawi nilang mahal sa buhay. Tiniyak pa niya na hindi sila titigil sa kanilang kampanya upang tugisin ang mga bandidong grupo na may pasimuno ng naturang pananambang.

Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles