Bangued, Abra – Arestado ang isang wanted person sa kasong pagnanakaw sa isinagawang Oplan Pagtugis ng mga Abra PNP nito lamang Miyerkules, Abril 6, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Maly Cula, Acting Provincial Director, Abra Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Virginia Lanas Queron, 50, may-asawa, residente ng Barangay Paganao, Lagangilang, Abra.
Ayon kay PCol Cula, bandang 11:45 ng umaga naaresto si Queron sa naturang lugar ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Forensic Unit 14-Abra.
Dagdag pa ni PCol Cula, naaresto si Queron sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 3 counts ng Qualified Theft (RPC Art. 310) na may rekomendadong piyansa sa bawat kaso na Php200,000.
Patuloy pa rin ang Abra PNP sa pagsasagawa ng Oplan Pagtugis sa mga wanted person upang maiwasan at hindi madagdagan pa ang mga nagiging biktima ng mga ito.
###
Great work thanks PNP