Claveria, Cagayan – Arestado ang Top 6 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Frustrated Murder sa isinagawang operasyon ng PNP nitong Martes, Abril 5, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Steve Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2, ang suspek na si Nickson Pascua y Rangpas, 38, biyudo, magsasaka, residente ng Brgy. Ang, Sta. Maria, Claveria, Cagayan.
Ayon kay PBGen Ludan, bandang 9:00 ng umaga naaresto si Pascua sa pinagsanib puwersa ng Claveria Municipal Police Station, Cagayan Police Provincial Office Provincial Intelligence Unit- Tracker Team, 1st Mobile Force Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company at Regional Group on Special Concern.
Ayon pa kay PBGen Ludan, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay mas papaigtingin at papalawakin ang kampanya at operasyon laban sa mga kriminalidad para tuluyan ng matugis ang mga nagkasala sa batas at mabigyang hustisya ang kanilang mga naging biktima.
Source: Claveria Municipal Police Station
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag