Taguig City — Higit kalahating milyon na halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust ng pulisya sa Taguig City sa anim na suspek nito lamang umaga ng Abril 6, 2022.
Kinilala ni District Director Police Brigadier General Jimili Macaraeg ng Southern Police District ang mga suspek na sina Nazarene Mortega y Gueta, 40; Rhodora Cruz y Losiñada, 49; Pinky Larubis y Capacio, 46; Andrea Bautista y Valenzuela, 38; Joshua Mataquel y Riveral, 33; at Marlon Magtibay y Manalo, 33.
Ayon kay PBGen Macaraeg, dakong alas-4:00 ng madaling araw nahuli ang anim na suspek sa #28 Unit 14, Kalayaan St., Brgy. Ususan, Taguig City sa pinagsanib pwersa ng DDEU-SPD, DID at DMFB-SPD.
Nakumpiska mula sa kanila ang 21 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa 76.7 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php521,560, Php500 na ginamit bilang buy-bust money at isang pouch.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni General Macaraeg na walang ligtas ang mga taong sangkot sa ilegal na droga sa kamay ng batas.
#PNPKakampiMo
#WeServeandProtect
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos