Cebu – Timbog ang Top 1 Most Wanted Person ng municipality ng Pinamungajan, Cebu na may kasong murder sa operasyon na ikinasa ng pulisya nito lamang Lunes, Abril 4, 2022.
Kinilala ni Police Major Vincent Zozobrado, Hepe ng Pinamungajan Police Station, ang suspek na si Charlie Lihay-Lihay Pono, 31, residente ng Sitio Campo, Brgy. Poblacion, Pinamungajan, Cebu.
Ayon kay PMaj Zozobrado, pinangunahan nito ang operasyon laban sa suspek kasama ang kanyang mga tauhan at katuwang ang 2nd PMFC na nagresulta sa pagkahuli ng suspek bandang 5:00 ng hapon sa Sitio Campo, Brgy. Poblacion, Pinamungajan, Cebu.
Ayon kay PMaj Zozobrado, si Pono ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder (RPC Art 248).
Dagdag pa nito, ang suspek ay dati ng nahuli sa kasong paglabag sa ilegal na droga o ang RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Walang humpay ang pagtugis ng pulisya sa mga kriminal na may pananagutan sa batas. Kaya naman hinihimok ng PNP ang publiko na i-report ang ano mang krimen sa kanilang mga komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Carl Philip Galido
Sana all kang wanted madakpan salamat PNP