Bacolod City – Arestado ang dalawang lalaking gun runner sa entrapment operation ng pulisya sa Bacolod City nito lamang Martes, Abril 5, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joseph Ian Lofranco, Regional Chief, CIDG Field Unit 6, ang mga naarestong suspek na sina Lemuel Remulado Timtim alyas “Totong”, 33, lalake, Security Guard, residente ng Purok Natures, Brgy. Alijis, Bacolod City at si Ricky Quindo Castro alyas “Jabo”, 34, lalake, Security Guard, residente ng Sitio Pasil, Brgy. Enclaro, Binalbagan, Negros Occidental.
Ayon kay PCol Lofranco, si Timtim at Castro ay nahuli bandang 5:00 ng hapon sa Brgy. 10, Burgos Ext. Reclamation Area, Bacolod City sa entrapment operation (firearms buy-bust) ng mga operatiba ng CIDG Bacolod City Field Unit, katuwang ang Maritime Police Station at Bacolod City Police Office-PS1.
Ayon pa kay PCol Lofranco, nakumpiska mula sa mga suspek ang isang Php100 marked money, 40 pirasong boodle money na nagkakahalaga ng Php35,900, isang yunit ng Colt Cal. 45 pistol, isang yunit ng Caliber 38 revolver Smith and Wesson at isang pirasong magazine assembly para sa Cal. 45.
Dagdag pa niya, ang mga suspek ay miyembro ng Carmen Ville Group (bagong nakilalang Crime Group) na sangkot sa gun running activities sa Bacolod City at mga kalapit na bayan sa Negros Occidental sa ilalim ng IR No. CIDG6BAC-02-21-22-006.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at COMELEC Gun Ban ang dalawang suspek na nasa kustodiya ngayon ng CIDG Bacolod CFU.
Ang PNP-CIDG ay nananatiling nakatuon sa pagtataguyod ng batas at paglalagay ng mga masasamang elemento sa likod ng rehas at pinapalakas ang kampanya laban sa Organized Crime Group/Criminal Gangs at Loose Firearms.
###
Panulat ni Police Master Sergeant Leah Lyn Q Valero-PCADG
Good Job PNP salamat gid s pagdakop