Bacacay, Albay – Matagumpay na inilunsad ng Bacacay Municipal Police Station katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, stakeholders at Advocacy Support Groups ang KaligKasan sa Karagatan Project na may temang “Coral Restoration and Mangrove Reforestation”’ na ginanap sa Barangay Uson, Bacacay, Albay nitong Abril 3, 2022.
Layunin ng programa na maitaguyod ang pangangalaga ng karagatan lalong-lalo na ang Marine resources tulad ng coral reef kung saan libo-libong mga isda ang naninirahan dito.
Nagsagawa din sila ng information drive sa mga mamamayan tungkol sa programa.
Nagkaroon din ng medical at dental mission upang siguraduhin at kumustahin ang mga kalusugan at mga iniindang sakit ng mga mamamayan sa lugar.
Namahagi din ng food packs, grocery items at mga hygiene kits para sa mga bata.
Pinangunahan ni Police Major Michael Lorrila, Hepe ng Bacacay MPS ang pagpapakawala sa nahuli at isinuko na Sea Turtle kung saan pinangalanan itong “Bert” gayon din ang pagtatanim ng mga coral reefs sa karagatan.
Samantala, hinikayat ng pulisya ang mga mamamayan na pahalagahan ang likas na yaman sapagkat dito kumukuha ng pang-araw-araw na pangangailangan at pandagdag sa hanapbuhay ng mga residente.
###
Panulat ni PCpl Shiear “Kye” Velasquez-Ignacio