Parang, Maguindanao – Isinaaktibo ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa ilalim ng direktiba ni PBGen Arthur Cabalona, Regional Director at Regional Task Group (RTG) Commander, ang dalawang Regional Special Operation Task Group (RSOTG), ang RSOTG Cotabato City and Maguindanao (COMAG), at ang RSOTG Lanao del Sur (LDS).
Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa pagsasagawa ng security at safety coverage para sa 2022 National and Local Elections.
Ang RSOTG COMAG ay pamumunuan ni PBGen Pablo Labra II, Deputy Regional Director for Administration, PRO BAR, habang ang RSOTG LDS ay pamumunuan ni PCol Jeffrey Fernandez, Deputy Regional Director for Operations, PRO BAR.
Ang paglikha ng mga RSOTG ay dahil sa pagkakaroon ng mataas na tyansa ng panganib sa lugar tulad ng matinding tunggalian sa pulitika, pribadong armadong grupo, mga criminal gang, at paglaganap ng mga loose firearms.
Dagdag pa rito, inaasahang tutulong ang mga RSOTG na maiwasan at matugunan ang mga insidente na may kaugnayan sa halalan na maaaring mangyari sa rehiyon partikular na sa Lanao Del Sur, Maguindanao, at Cotabato City.
Hinimok din ni PBGen Cabalona ang mga tauhan ng PRO BAR na manatiling apolitical, alinsunod sa patnubay ni Chief, PNP na manatiling non-partisan at huwag makibahagi sa anumang aktibidad sa pulitika o mag-endorso ng mga partido o kandidato sa pulitika para sa anumang elective na posisyon.
#PNPKakampiMo
#WeServeandProtect
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz