Hagonoy, Taguig City – Nasagip ang labindalawang menor de edad sa dalawang arestadong traffickers sa isinagawang Anti-Trafficking in Person entrapment and rescue operations ng mga alagad ng batas nito lamang Martes, Abril 5, 2022.
Kinilala ni PBGen Edgar Cacayan, Chief ng Women and Children Protection Center, ang dalawang suspek na sina Wilma Carambas y Caadan, 39, at Rowena Ruiz y Carambas, 33.
Ayon kay PBGen Edgar Cacayan, bandang 1:45 ng hapon nang masagip sa Secret Haven Vacation Home, Bay Breeze Executive Village, Barangay Hagonoy, Taguig City sa pinagsanib puwersa ng WCPC-TCITF, LFU, Taguig CPS, at Child and Social Development Organization ng Taguig City.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
“Kailangan ng wastong koordinasyon at kooperasyon para maprotektahan ang mga bata mula sa pang-aabuso at pagsasamantala. Sinusuportahan ng pamunuan ng SPD ang pagsugpo sa online na sekswal na pang-aabuso at child trafficking na bumibiktima sa mga menor de edad sa ating lipunan,” ani PBGen Macaraeg.
SOURCE: SPD-PIO
###
Panulat ni NUP Loreto B Concepcion