Sunday, November 24, 2024

PNP, handa sa pagsisimula ng kampanya sa local post

Opisyal nang nagsimula ang kampanya para sa mga lokal na posisyon sa buong bansa nitong ika-25 ng Marso. Kaakibat naman nito ang pagsisiguro ng hanay ng pambansang pulisya na handa ang buong pwersa nito para sa pagpapanitili ng seguridad sa durasyon ng kampanya.

Nakalatag na ang ipatutupad na seguridad ng PNP para matiyak na magiging mapayapa ang panahon ng kampanya hanggang sa halalan. Bilang parte ng pagtiyak sa seguridad hindi lamang ng publiko kundi maging ng mga kandidato, magbibigay ng standard security package ang PNP sa mga kandidato ngunit mananatili lamang ang mga pulis sa campaign activity area at hindi susunod sa mga kandidato. Ito ay bilang pagtalima narin sa certificate of authority mula sa Commission on Elections na tanging ang mga kandidato lamang ang pwedeng magkaroon ng police security personnel.

Makakatuwang naman ng PNP ang Armed Forces of the Philippines para masiguro ang seguridad ng bawat isa ngayong panahon ng kampanya hanggang sa halalan at para maprotektahan ang integridad ng halalan 2022.

Sa kabilang banda, nilagyan naman ng apat na kategorya ng PNP ang mga lugar na nasa election hotspots. Ang green ay ikinokonsiderang generally peaceful, yellow para sa areas of concern na may naitalang election-related incident, ang orange sa areas of immediate concern na may serious armed threat, at red para sa mga lugar na may areas of grave concern kung saan posibleng ideklara ang COMELEC control.

Makakaasa naman ang publiko na hindi dahil nasa kategorya ng green o tinatayang mapayapa ang isang lugar ay hindi na hihigpitan ang seguridad. Lahat ng lugar sa bansa ay may nakalatag nang ipinapatupad na seguridad. Tinitiyak naman ng pambansang pulisya na bawat mamamayan ay magagamit ang karapatang bumoto nang walang takot sa kanilang pinili at kaligtasan.

Mahigpit naman nating pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na maging responsable, huwag po tayong magkampante, lalo na ‘yung hindi pagsusuot ng face mask o hindi pagsunod sa minimum public health standards. Hindi po dapat rason na maging kampante tayo dahil sa patuloy na pagbaba ng datos ng mga nagpopositibo sa  COVID-19. Sa ating mga kandidato, dapat maging responsable din po sana tayo. Tayo po sana ang manguna sa pagpapaalala sa inyong mga tagasuporta  na sumunod parin sa health protocols.

Mahigpit din ang babala ng PNP sa lahat ng kandidato sa halalan na huwag gumawa ng anumang uri ng ilegal na aktibidad tulad ng pagbili ng boto, pagkuha ng pribadong pwersang panseguridad, at paglabag sa gun ban.
Ang PNP ay mahigpit na nagpapatupad ng mga batas sa halalan at hindi magdadalawang-isip na ilapat ang buong puwersa ng batas sa sinumang sangkot at nagsusulong ng mga ipinagbabawal na aktibidad sa halalan sa panahon ng kampanya.

Hinihikayat naman natin ang lahat na maging mapagmatyag at maingat dahil walang pinipiling panahon ang mga kawatan at gagamitin pang opurtunidad ang panahon ng halalan para makapangbiktima ng kapwa. Magtulungan tayo para sa tahimik, payapa at malinis na halalan.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles