Sunday, November 24, 2024

PNP Double Barrel-Endgame Namayagpag sa Luzon

Mas pinaigting ng Pambansang Pulisya ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng PNP Campaign Plan Double-Barrel Finale Version 2022 na kilala rin bilang Anti-Illegal Drugs Operation through Reinforcement & Education (ADORE). Naging matagumpay ang katatapos lamang na Simultaneous Drug Sting Operations sa kalakhang Luzon na nagbunga sa pagkaaresto ng mga drug personalities, pagkakakumpiska, at pagkasira ng ilIgal na droga noong Marso 23, 2022.

Sa Cordillera Region, nagsagawa ng clearing operations ang mga operatiba ng 1st PMFC, Benguet PPO sa Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet. Nagkaroon ng on-site destruction sa humigit-kumulang 3,640 fully-grown marijuana plants at 5,000 marijuana seedlings na may tinatayang halaga na nasa Php928,000.00 na itinanim sa limang lihim na sakahan ng Cannabis. Gayunman, walang cultivator ang naaresto sa nasabing operasyon.

Sa Central Luzon naman, nauwi sa armadong komprontasyon sa pagitan ng isang drug personality at mga arresting officer ng San Fernando City Police Station SDEU at 1st Provincial Mobile Force Company ng Pampanga Police Provincial Office sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Dolores, San Fernando City, Pampanga. Kinilala ang suspek na si Fritz Domansing Randrup, narekober sa kanya ang 8 grams o anim na sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may estimated-value na Php54,400. Nakuha rin sa suspek ang buy-bust money, isang 9mm caliber pistol na may magazine na kargado ng apat na live ammo, iba pang paraphernalia, at isang puting Hyundai Elantra. Mahaharap si Randrup sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (R.A 9165) at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (R.A 10591).

Samantala, sa CALABARZON naman ay naaresto ang mga operatiba ng Taytay Municipal Police Station si Mark Paul Gerico Manlunas Regaspi sa isinagawang drug buy-bust operation sa Taytay, Rizal na nagresulta sa pagka-aresto at pagkakumpiska sa suspek ng anim na sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 135 grams na may tinatayang halaga na nasa Php918,000. Nakuha rin mula sa suspek ang buy-bust money.

Ayon kay Police General Dionardo B Carlos, habang pinaiigting ng ating kapulisan ang kampanya ng gobyerno para sa criminal justice, ang PNP ay nangangako na susugpuin ang paglaganap ng iligal na droga sa komunidad habang tapat na ginagampanan ang ating mandato na mas mahusay at taus-puso para sa dekalidad na serbisyo publiko. (with reports from PCpl Nechaell Carmie Hadjula, PNP PIO).

# # #

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles