Naaresto ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station (MPS) ang isang Most Wanted Person na kabilang sa Regional Level bandang alas-9:00 ng gabi ng Disyembre 31, 2025 sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal.
Ang naarestong suspek ay kinilalang si alyas “Benok”, 19 taong gulang, binata, walang trabaho, senior high school level, at residente ng nasabing lugar.
Ang pag-aresto ay alinsunod sa Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 143, Cainta, para sa kasong Rape na walang inirerekomemdang piyansa ang korte.
Matapos ang pag-aresto, ang suspek ay maayos na ipinaalam ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng Taytay Municipal Social Welfare and Development Office para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.



