Malate, Manila — Tinatayang Php3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust ng pulisya at PDEA noong Linggo, April 3, 2022.
Kinilala ni NCRPO Regional Director Police Major General Filipe Natividad ang suspek na si Tato Sali y Satol alyas “Tonanmi”.
Ayon kay Police Major Natividad, nahuli ang suspek bandang 1:20 PM sa Room 702, 7th Floor, Le Mirage Mabini St. Barangay 702, Malate, Manila sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba ng Malate Police Station, PDEA NCR at Region 4A.
Ayon pa kay General Natividad, nakuha mula sa suspek ang humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang Php3,450,000 ang halaga.
Mahaharap si Sali sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Kung kayo man ay pusher, user o mismong pinanggagalingan ng ilegal na droga sinisigurado ko sa inyo na may kalalagyan kayo. Tigilan ninyo ang pagbenta ng ilegal na droga at wala kayong puwang sa matahimik at mapagsumbong na mga mamamayan na masusing binabantayan ng ating mga kapulisan sa kalakhang Maynila”, dagdag pa ni General Natividad.
Source: PIO NCRPO
###
Panulat ni PCpl Jhoanna Marie N Delos Santos
Great job salamat s mga awtoridad