Valenzuela City — Tinatayang Php102,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng Valenzuela PNP noong Sabado, Abril 2, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ramchrisen Haveria Jr., Chief of Police ng Valenzuela City Police Station ang mga suspek na sina Federico Padua y Dela Cruz, 40, at Cristy Tornilla y Fernandez, 43, pawang mga residente ng Northville 2 Bignay, Lungsod ng Valenzuela.
Ayon kay PCol Haveria Jr, pasado 11:55 ng gabi naaresto ang mga suspek sa Block 15 Lot 1 Northville 2 Bignay, Lungsod ng Valenzuela ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela CPS.
Ayon pa kay Colonel Haveria Jr, nakumpiska sa mga suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 15 gramo at may katumbas na halaga na Php102,400, isang Php500, pitong Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money, at isang unit ng Vivo Cellphone.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni PCol Haveria Jr. na lalo pang paiigtingin ng kanilang hanay ang operasyon kontra ilegal na droga.
###
Good job slamat s mga kapulisan