Mandaue City – Tinatayang Php1,360,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust operation ng mga otoridad sa Mandaue City nito lamang Sabado, Abril 2, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Eduardo Vega ang suspek na si Bernabe Ramis Jabon ayas “Bengbeng”, 48, residente sa Barangay Tayud, Liloan, Cebu.
Ayon kay PBGen Vega, si Jabon ay naaresto bandang 11:48 ng gabi sa Sitio Tambis, Brgy. Umapad, Mandaue City ng mga operatiba ng Police Station 5, Mandaue City Police Office.
Ayon pa kay PBGen Vega, nakumpiska sa suspek ang 15 transparent plastic sachet na may lamang mahigit kumulang 200 gramo ng hinihinalang shabu na umaabot ang halaga sa Php1,360,000 at isang sling bag.
Ang PNP ay hindi titigil sa kampanya laban sa ilegal na droga upang sugpuin ang mga sindikatong nasa likod ng mga illegal drug trade sa bansa at siyang sumisira sa ating lipunan.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio
Great work thanks PNP
Good job PNP