Diadi, Nueva Vizcaya – Arestado ang isang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Sexual Assault (2 counts) at Rape sa Intelligence Driven COMELEC Checkpoint ng mga alagad ng batas nito lamang Sabado, Abril 2, 2022.
Kinilala ni Police Major Roderick Rabago, Hepe ng Diadi Police Station ang suspek na si John Bughong y Tabundol, 73, biyudo, isang Pastor ng Pentecostal Ministry of Christ Assembly at residente ng Brgy. San Pablo, Diadi, Nueva Vizcaya.
Ayon kay PMaj Rabago, bandang alas-tres ng hapon nang maaresto si Bughong sa Brgy. Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Diadi PS, 2nd MP 1st NVPMFC kasama ng PIU NVPPO at RIU2 NV.
Si Bughong ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Sexual Assault (2 counts) at Rape na walang inirekomendang piyansa.
Samantala, ayon kay PMaj Rabago, mas lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya at operasyon sa pagtugis sa mga personalidad na may pananagutan sa batas at patuloy na himukin ang mga mamamayan sa bayan ng Diadi na makipagtulungan at suportahan ang mga programa ng PNP bilang pagtugon sa layunin nilang mapanatili ang kaayusan at proteksyunan ang nasasakupan laban sa masasamang elemento at mabigyang hustisya ang mga biktima ng krimen.
###
Panulat ni NUP Shiela May Villaflor Valite
Good job husay talaga ng mga pulis