Pangasinan – Isinagawa ng mga kapulisan ng Pangasinan ang Padyakan sa Police Regional Office 1 Pangasinan Leg kaugnay sa Secure, Accurate, Free and Fair National and Local Elections 2022 nitong Sabado, Abril 2, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Provincial Director, Police Colonel Richmond Tadina ng Pangasinan Police Provincial Office at nilahukan ng mga miyembro ng Civilian Bike Enthusiasts ng Pangasinan at iba’t ibang sangay ng gobyerno.
Sinimulan ang aktibidad sa isang masinsinang panalangin na sinundan ng basic exercises.
Nagsagawa din ng route security ang mga kapulisan mula sa Lungsod ng Dagupan, sa bayan ng Mangaldan, San Jacinto at nagtapos sa Manaoag, Pangasinan upang masigurado ang seguridad ng mga lumahok na bikers.
Binigyan naman ng parangal ang one leg biker, youngest biker at iba pa na nakarating sa finish line ng nasabing aktibidad.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang pangangatawan ng mga bikers at isulong ang pagtutulungan ng bawat isa para makamit ang isang maayos at malinis na halalan sa darating na ika-9 ng Mayo 2022.
Source: Pangasinan PPO
###
Panulat ni PSSg Vanessa A Natividad
Tagumpay husay nman ng mga kapulisan