Polilio, Quezon – Arestado ang Top 4 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong paglabag sa RA 10591 ng mga operatiba ng Polilio nito lamang Biyernes, Abril 1, 2022.
Kinilala ni Police Captain Christopher Reaño, Hepe ng Polilio Municipal Police Station ang naarestong suspek na si Chito Marquita y Quirez, 56, residente ng Brgy. Poblacion, Polilio, Quezon.
Ayon kay Reaño, bandang 1:30 ng hapon naaresto si Marquita ng mga operatiba ng Polilio MPS sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang kapulisan ng Polilio ay sinisigurado ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan lalo na at papalapit na ang halalan.
Source: Polilio Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville L Ortiz
Galing talaga ng PNP salamat