Wednesday, November 27, 2024

Improvised Water Reservoir para sa mga residente sa Davao de Oro

Davao de Oro – Maayos na nailagay ang Improvised Water Reservoir/Storage gamit ang PE hoses at dalawang pinagsamang plastic drums sa tulong ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Cluster 5 at 7 sa Purok 27, Sitio Puting Bato, Brgy. Ngan, Davao de Oro, nito lamang Biyernes, Abril 1, 2022.

Matagumpay ang pag-abot ng tulong ng R-PSB Cluster 5 at 7 sa pangunguna ni PLt Jimmy Quiacusan, Team Leader na siyang magiging malaking tulong sa mga residente ng nasabing lugar pagdating sa kanilang inumin at para masigurado na rin na kahit na sa tag-araw ay mayroon silang mapagkukunan ng maiinom.

Ayon kay PLt Quiacusan, nagpasya siyang dumaan at makipagkwentuhan sa mga residente para malaman ang kanilang mga pangangailangan dahil hindi nakararating sa kanilang purok ang water system project na binigay ng gobyerno.

Dagdag pa niya, ramdam nila na napag-iiwanan na sila sa nasabing proyekto kaya bilang tugon, ipinangako niya na dadalhin ng kanyang team ang kanilang concern sa nararapat na tanggapan ng gobyerno ngunit pansamantala ay ginawan muna nila ng solusyon ang kanilang problema sa tubig.

Ngayon ay sagana na ang daloy ng tubig sa nasabing purok at hindi maitatago ang tuwa ng mga residente sa ginawa ng R-PSB para sa kanila sa napakaikling panahon.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ng mga residente sa R-PSB Cluster 5 at 7 sa pagpapahiram sa kanila ng mga PE hose at plastic drums, gayundin sa provincial government sa pagbibigay ng sako-sakong semento.

###

Panulat ni Patrolman Rhod Evan G Andrade

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles