Abulug, Cagayan – Arestado ang isang Wanted Person sa kasong paglabag sa PD 705 ng mga operatiba ng Abulug nito lamang Biyernes, Abril 1, 2022.
Kinilala ni PMaj Ignacio Dijun Dinulong Jr, Hepe ng Abulug Police Station, ang suspek na si alyas “Pedro”, edad 18, estudyante, residente ng Brgy. Rapuli, Sta. Ana, Cagayan.
Ayon kay PMaj Dinulong Jr., bandang alas singko ng hapon nang maaresto si alyas “Pedro” sa Sta. Ana, Cagayan ng pinagsanib na puwersa ng Abulug PS at 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay Dinulong, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.
Samantala, patuloy na hinihimok ni PMaj Dinulong Jr, ang komunidad lalo na ang mga mamamayan ng Abulug na lumahok at suportahan ang mga programa ng PNP. Dagdag pa rito, tiniyak niya na ang mga iba pang nakalistang wanted na indibiduwal ay patuloy paring pinaghahanap sa ilalim ng kanyang pamumuno.
###
Panulat ni Patrolman Gregorio B Galindon Jr, Abulug PS
Tagumpay saludo tayo s mga kapulisan