Camp S.K Pendatun – Sumailalim sa pagsasanay ang 188 na mga pulis ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region na magsisilbing poll officials sakaling tumanggi ang mga guro na maglingkod dahil sa banta sa seguridad at iba pang dahilan sa darating na halalan sa Mayo 9.
Ayon kay PBGen Arthur Cabalona, Regional Director, PRO BAR, ipinadala ang mga pulis ng PRO BAR sa Commission on Elections para sa pagsasanay ng Board of Election Inspectors.
Naglabas naman ng direktiba ang RD ng PROBAR na iwasan ang partisanship para matiyak ang mapayapa at maayos na halalan sa darating na Mayo 9.
Dagdag pa niya na 16 na bayan at dalawang lungsod sa rehiyon ang kabilang sa hot spot sa panahon ng eleksyon.
Kabilang sa mga “red areas” na lugar sa BAR para sa halalan ngayong taon ay ang 10 bayan sa Maguindanao, tatlo sa bayan ng Basilan at Lanao del Sur, Lamitan City at Marawi City.
Alinsunod dito, kaya nasabing “red areas” na lugar ay dahil na rin sa matinding insidente ng karahasan noong mga nakaraang halalan, at pagkakaroon ng mga banta ng mga armadong grupo.
Sinabi ni Cabalona na ang mga lalawigan ng Sulu at Tawi-Tawi ay walang “red areas”.
Isang paalala mula sa inyong Pambansang Pulisya na mag-ingat ang lahat sa darating na halalan at makisama sa ating mga awtoridad ng sa ganun ay maidaos ng ligtas at mapayapa ang halalan 2022.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia
Galing at husay tunay n serbsiyo para sa bayan