Marcos, Ilocos Norte – Sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga pulisya ng Ilocos Norte nito lamang Biyernes, Abril 1, 2022.
Kinilala ni Acting Provincial Director, Police Coronel Julius Suriben ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang sumuko na si Alias Ka Rino, tubong Cagayan ngunit kasalukuyang naninirahan sa Marcos, Ilocos Norte.
Ayon kay PCol Suriben, sumuko si Ka Rino sa nasabing barangay nang pinuntahan siya ng mga tauhan ng 2nd Ilocos Norte Mobile Force Company, Marcos Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Ilocos Norte Police Provincial Office at 101st Company ng Regional Mobile Force Battalion 1.
Ayon pa kay Suriben, isinuko rin ni Ka Rino ang isang Springfield Garan Rifle at labinlimang bala nito.
Labis naman ang pasasalamat ni Ka Rino sa mga kapulisan ng Ilocos Norte sa pangunguna ni PCol Suriben dahil sa bagong simula at oportunidad na naibigay sa kanya.
Hinikayat ni Ka Rino at ng mga pulisya ang mga mamamayan sa Ilocos Norte na tuldukan ang problema ng insurhensiya sa probinsya sa pamamagitan ng pagbalik-loob sa pamahalaan para magkaroon ng mapayapa at maayos na pamumuhay sa piling ng kanilang pamilya.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Bader Ceasar Ayco
Saludo kami sa PNP..sana all sumuko na at balik loob s gobyerno