Wednesday, November 27, 2024

17 pasahero kabilang ang driver ng Van sugatan sa aksidente sa San Enrique, NegOc

San Enrique, Negros Occidental– Sugatan ang 17 pasahero ng Van kasama ang driver nito matapos sumalpok sa isang nakaparadang kotse pasado alas 3:00 ng hapon nitong Huwebes, Marso 31, 2022 sa National Highway sa Barangay Tibsoc, San Enrique, Negros Occidental.

Ayon kay Police Lieutenant Sammy Gasataya, Deputy Chief, San Enrique Municipal Police Station, galing pang Isabela ang Nissan NV350 Van na minamaneho ni Vicente Espago Jr, 23, residente ng Brgy. Taculing, Bacolod City na nanggaling sa burol kasama ang 17 pang pasahero at pabalik na sana sa Bacolod City.

Aniya pa ni Gasataya, nag-overtake ang driver ng van sa isang tricycle ng bigla na lang nawalan ng control at bumangga sa nakaparking na Toyota Vios. Dahil sa aksidente nahulog sa kanal ang Toyota habang nabangga rin ng van ang isang tindahan sa gilid ng kalsada.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na hospital ang mga pasahero na nagtamo lamang ng konting galos sa katawan. Wala namang naitalang nasawi sa naturang aksidente.

Samantala inareglo naman ng driver ng van at ng may-ari ng sasakyan ang pagpapa-ayos sa mga nasira. Pinapaalalahanan naman ni Lieutenant Gasataya ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na sa mga matataong lugar.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles