Pasuquin, Ilocos Norte – Naaresto ang Top 8 Most Wanted Person ng Pasuquin, Ilocos Norte ng mga pulisya nitong Miyerkules, Marso 30, 2022.
Kinilala ni Police Major Vencioly Luzano, Chief of Police ng Pasuquin Municipal Police Station ang suspek na si Eduardo Musni Asuncion, 49, balo, self-employed, nakatira sa Brgy. 5 Davila, Pasuquin, Ilocos Norte.
Ayon kay PMaj Luzano, bandang 9:18 ng umaga naaresto ang suspek sa nasabing barangay ng pinagsanib na puwersa ng operatiba ng Pasuquin MPS, Ilocos Norte Maritime Police Station, Philippine Air Force at 1st Ilocos Norte Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay PMaj Luzano, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa Sec. 32 (Illegal Sale of Firearms and Ammunition) Art. V ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na nilagdaan ni Hon. Charles Javier Magdale Calapini, Presiding Judge ng First Judicial Region, Branch 19 Bangui, Ilocos Norte noong Marso 18, 2022 na may Criminal Case Number 2813-19 at may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng magandang ugnayan at samahan ng mga kapulisan at mga mamamayan para mapanatiling ligtas ang kumunidad sa anumang krimen.
Source: Pasiquin Municipal Police Station
###
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal
Great work PNP more power