Laoag City, Ilocos Norte – Isinuko ng ibat’ ibang personalidad ng Ilocos Norte ang kanilang mga baril sa mga pulisya sa Camp Captain Valentin S Juan, Laoag City, Ilocos Norte noong Marso 28, 2022.
Ayon kay Police Colonel Julius Suriben, Acting Provincial Director ng Ilocos Norte Police Provincial Office, umabot sa 259 na iba’t ibang klase ng mga baril ang naisuko: 74 mula sa mga kandidato o political aspirants; 5 mula sa Elected Officials; 20 mula sa Political Leaders kabilang ng kanilang mga kamag anak; 150 mula sa publiko at 10 mula sa mga retiradong pulis.
Ang pagsuko ng mga baril ay alinsunod sa COMELEC Gun ban ngayong campaign period.
Layunin nito na maiwasan ang karahasan gamit ang mga baril para sa maayos at tahimik sa nalalapit na eleksiyon 2022.
Source: Ilocos Norte PPO
###
Panulat ni PSSg Lhenee Valerio
Tunay n may malasakit talaga ang mga kapulisan