Masbate – Sumuko ang 12 na miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga pulisya ng Masbate kasabay ng ika-53rd Anibersaryo ng New People’s Army nitong Martes, Marso 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Rolly Albaña, Provincial Director, Masbate Police Provincial Office, ang mga sumuko na sina alyas “Kumander Rembo” at kanyang sampung (10) tauhan na pawang mga kasapi ng Sentro De Gabridad, Larangan Central, KP4-Masbate, Bicol Region Party Committee sa ilalim ng pamumuno ni Luding Tolingin alyas “Ka Daddy” at “Ka Victor” na miyembro ng Larangan 1, KP4-Masbate sa ilalim ng pamumuno ni Eddie Rosero alyas “Ka Star”.
Ayon kay Police Colonel Albaña, dakong 10:00 ng umaga sumuko ang 12 miyembro ng CTG sa bulubunduking lugar ng Brgy. San Juan, Mandaon, Masbate nang sunduin sila ng mga tauhan ng 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit at Mandaon Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Albaña, isinuko din ng mga rebelde ang isang Ingram 9mm machine pistol, isang Magnum 357, dalawang kalibre 38, dalawang 12-gauge shotgun at mga bala.
Dagdag pa ni Police Colonel Albaña, ang pagsuko ng mga rebelde ay bunga ng walang humpay na paglulunsad ng Retooled Community Support Program- Counter White Area Operation (RCSP-CWAO) at Retooled Community Support Program- Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (RCSP-GIDAs) ng mga kapulisan.
Nagpaabot naman ng tulong ang Masbate PNP ng assorted food packs at kaunting tulong pinansyal sa mga sumukong rebelde.
Hinikayat ng mga pulisya ang mga mamamayan sa Masbate na tuldukan ang problema ng insurhensiya sa probinsya sa pamamagitan ng pagbalik-loob sa pamahalaan para magkaroon ng mapayapa at maayos na pamumuhay sa piling ng kanilang pamilya.
Source: Masbate 1st Provincial Mobile Force Company
###
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia
Great job salamat s mga alagad ng batas