Gumulong ang programang “Learning on Wheels” ng All-Women City Mobile Force Company sa Santiago City, Isabela.
Ang “Learning on Wheels” ay naglalayong turuan ang mga bata hinggil sa kanilang mga karapatan at bigyan ng mga mahahalagang aral na maaari nilang maging gabay sa paglaki.
Sa naturang aktibidad, tinuruan ang bata hinggil sa RA 8353 o ang Anti Rape Law of 1997; Safe Touch vs Bad Touch; Project R.E.A.D.Y; at iba pang mahahalagang aralin.
Masigla namang nakilahok ang mga bata kung saan nakatanggap sila ng papremyong laruan at pagkain kapalit ng tamang sagot sa mga katanungan.
Samantala, nagsagawa rin ang All-Women CMFC ng BARANGAYanihan sa kaparehong lugar. Namahagi ang mga Aleng Pulis ng foodpacks sa mga piling benepisyaryo; nagsagawa ng feeding program; at libreng gupit sa mga bata at senior citizen.
####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche