Indanan Sulu – Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation ng Indanan Municipal Police Station sa Sitio Bunk House, Brgy. Kajatian, Indanan, Sulu nito lamang Lunes, Marso 28, 2022.
Kinilala ni PMaj Edwin Sapa, Chief of Police ng Indanan MPS ang mga suspek na sina Alwidal Kasim Omar-Alih isang operator, 29; at Sibar Ulla Hasan, 26, parehong residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PMaj Sapa, nagsagawa ang Indanan MPS ng Anti-Illegal Gambling Operation na mas kilala sa tawag na (TIKAM) na kung saan ay naaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng ipinagbabawal na sugal.
Nakumpiska sa dalawa ang 12 piraso ng small lumber, markado at nakaukit na numero mula uno hanggang dose, isang piraso ng small cut timber na gambling paraphernalia at Php404 na pinaniniwalaang bet money.
Dagdag pa ni PMaj Sapa, narekober mula sa isang suspek ang anim na piraso ng gambling card at dalawang piraso ng 20-peso bill na bet money.
Ang mga nabanggit na suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay agad na dinala sa Indanan MPS para sa kaukulang disposisyon.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa PD 1602 o Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling kapag napatunayang nagkasala ang mga ito.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia
salute
Yan huli kayo sana lahat mahuli salamat s mga alagad ng batas