Naaresto ang tatlong (3) personalidad sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga sa Cagayan De Oro City. Dalawa (2) dito ay nakalista sa Directorate for Intelligence drug watchlist at PNP-PDEA drug watchlist.
Nagkasa ang RDEU 10 at RSOU 10 ng joint drug buy-bust operation noong Setyembre 28, 2021 sa Coconut Drive, Zone-6, Bayabas, Cagayan De Oro City na nagresulta sa pag-aresto kay Alejandro A Malubay alyas Nonoy, 48 taong gulang, walang asawa at residente ng Zone-1, Punta, Bonbon, Cagayan De Oro City at kabilang sa PNP-PDEA drug watchlist. Nasamsam sa operasyon ang labing-apat (14) na heat-sealed transparent plastic sachets na may iba’t ibang laki na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 75 gramo at tinatayang may Karaniwang Presyo ng Droga na Php510,000.
Noong Setyembre 23, 2021 sa 9th/22nd Streets, Nazareth, Cagayan De oro City, nahuli naman sa isang buy-bust operation si Jovito J Abdies, 34 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy Macasandig, Cagayan De Oro City. Nakuha mula sa kanya ang siyam (9) na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 70 gramo na tinatayang may Karaniwang Presyo ng Droga na Php476,000.
Samantala, noong Setyembre 22, 2021, isa pang operasyon ang isinagawa kontra iligal na droga sa Bacan Compound, Balulang, Cagayan De Oro City kung saan natiklo si Nido S Bacan, 36 taong gulang, may asawa at nakatira sa Bacan Compound, Balulang, lungsod ng Cagayan de Oro. Siya din ay kabilang sa PNP-PDEA drug watchlist. Nasamsam sa operasyon ang labing-anim (16) na heat-sealed transparent plastic sachets na may iba’t ibang laki na naglalaman ng puting mala-kristal na sangkap na hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 60 gramo at tinatayang may Karaniwang Presyo ng Droga na Php408,000.
Nahaharap ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang lahat ng mga ebidensya ay nasa kustodiya na ng Regional Crime Laboratory 10 para sa karagdagang pagsusuri at imbestigasyon.
“Kini ang resulta sa walay hunong nga operasyon nga atong gihimo kontra sa iligal na droga. Gipaniguro sa kapulisan sa PRO 10 nga padayon ang pag gukod sa mga nagpayuhot sa mga iligal nga droga ug sa bisan kinsa nga mogamit niini aron inanay na masugpo ang pagkanap niini sa lig-ong tabang sa komunidad,” ayon kay PBGEN Anduyan.
Hinihiling ng PRO 10 sa publiko ang patuloy na suporta sa kampanya laban sa iligal na droga ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang mga aktibidad na iligal na droga sa kanilang lokalidad.
Courtesy by RPIO PRO 10 and RPCADU 10
###
Article by NUP Sheena Lyn M Palconite