Camp Crame, Quezon City – Karagdagang 300 na bagong police ang kinakailangan ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) para sa Attrition Quota nito. Ito ay matapos maaprubahan ng PNP Recruitment and Selection Service (PRSS) ang karagdagang 150 allocated quota na na-realign mula sa PNP Retirement and Benefits Administration Service (PRBS). Nauna ng naaprubahan ng PRSS ang 150 na allocated quota ng PCADG, na sa ngayon ay kasalukuyan ng pinoproseso.
Kabilang sa mga hinahanap at priority ng nasabing unit ang mga writer/journalist, programmer, graphic/layout artist, video editor, skilled photographer, mass communication graduate, musician, at IT expert.
Bago mag-apply ay kinakailangan munang tingnan ang mga kwalipikasyon; ang aplikante ay dapat college graduate, may 2nd level eligibility, nasa 21 hanggang 30 taong gulang at may height na 5’4 sa lalake at 5’2 naman sa babae. Kung pasok ka sa mga nasabing kwalipikasyon, maaari ka ng mag-apply. Mag-register lamang sa PNP Comprehensive Online Recruitment Encrypting System o CORES: http://app.cores.prs.pnp.gov.ph/.
Kabilang sa mga inisyal na requirements na kailangang isumite ang: Notarized CSC and PNP PDS (handwritten); PSA Birth Certificate and Family Documents for Issuance of Certificate of Declared Beneficiary; Affidavit of Undertaking; Educational Credentials; Eligibility; Clearances; Service record if applicable; Valid ID; Tax Identification Number at iba pa.
Para sa mga karagdagang katanungan sa mga inisyal na requirements maaari bisitahin ang PRSS official facebook account: www.facebook.com.pnprss o tumawag sa mga contact numbers na 09171909122 o 84781783.
###
Godbless PNP
More power po mam/sir