Davao de Oro – Nagtulungan ang Revitalized-Pulis sa Barangay New Bataan at mga miyembro ng San Roque Youth Farmers Association (SAYOFA) sa isinagawang rehabilitasyon ng fishpond para sa kanilang Catfish Farming Livelihood Project sa Purok 3-B, Sitio Mapaso, Barangay San Roque, New Bataan, Davao de Oro, nito lamang Sabado, Marso 26, 2022.
Sa pangunguna ni PLt Jimmy Quiacusan at sa pangangasiwa ni PCol Leonard Luna, Provincial Director, Davao de Oro Police Provincial Office, naging matagumpay ang nasabing aktibidad na siyang tugon sa kahilingan ng nasabing youth association upang makapagtayo ng fishpond bilang karagdagang livelihood project ng mga ito.
Ang R-PSB Team New Bataan Cluster 5 at 17 kasama ang mga miyembro ng nasabing organisasyon ay nagtutulungan sa paglilinis at paghuhukay ng lawa upang mas maging angkop sa pagkakaroon ng palaisdaan.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong ipakita ang patuloy na suporta ng R-PSB sa kanilang binuong People’s Organization (PO) upang matiyak ang tagumpay ng kanilang proyektong pangkabuhayan na malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita
May malasakit talaga ang mga pulis godbless