Indanan, Sulu – Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Operation ng mga operatiba ng PNP-AFP-PDEA sa Indanan, Sulu nito lamang Sabado, Marso 26, 2022.
Kinilala ni PMaj Edwin Sapa, Chief of Police ng Indanan Municipal Police Station ang suspek na sina Ibsal Ismali Saddirul, 27; at Mursimar Saddirul Ismali, 37, na parehong residente ng Brgy. Timbangan, Indanan, Sulu.
Ayon kay PMaj Sapa, naaresto ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng Indanan MPS, PDEA Sulu BARMM, CIDG IX, Sulu PPO PIU, at 100 Infantry Battalion.
Dagdag pa ni PMaj Sapa, nakumpiska mula sa dalawa ang isang maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang maliit na pakete na naglalaman ng marijuana seeds, isang cellphone, dalawang identification card, drug paraphernalia at mga binunot na marijuana na itinanim sa humigit-kumulang 100 square meter na lupain sa Indanan, Sulu.
Ang mga nakuhang ebidensya at ang mga binunot na marijuana ay isinumite ng Sulu PDEA sa Provincial Crime Laboratory Office Sulu para sa pagsusuri.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia
Galing naman ng mga awtoridad