Taal, Batangas – Nagsagawa ang mga pulisya ng rescue operations sa tatlong (3) bayan ng Batangas matapos muling nag-alburoto ang Bulkang Taal nitong Sabado, Marso 26, 2022.
Pinangunahan ni Police Colonel Glicerio Cansilao, Provincial Director ng Police Provincial Office ng Batangas, ang paghahanda sa mga evacuation centers at paglikas sa mga residente matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal dahil sa phreatomagmatic eruption bandang 7:33 ng umaga.
Ayon kay Police Colonel Cansilao, tinatayang 306 na pamilya ang apektado sa bayan ng Laurel, Agoncillo at Balete.
Dagdag pa ni Police Colonel Cansilao, nagsagawa ng coordination meeting ang Local Government Units at City Disaster Risk Reduction Management Office/Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga apektadong bayan at may mga nakahanda na ring evacuation center kung sakaling kailanganin pa ito.
Bukod dito, nagtalaga na rin ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) at nagsagawa ng route security sa mga lugar na apektado sa nasabing bulkan.
Pinaalahanan ng mga pulisya ang mga mamamayan na nasa immediate danger zone ng bulkan na maging mapagmatyag, mag-ingat at sumunod sa abiso ng mga otoridad na lumikas para sa kaligtasan ng lahat.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon
Salamat po mga Sir at Mam
Serbisyong totoo yan ang mga pulis para sa bayan