Mataas na Kahoy, Batangas – Nagsagawa ng Community Outreach Program bilang bahagi ng National Women’s Month Celebration ang mga pulisya sa Brgy. IV, Mataas na Kahoy, Batangas bandang 2:00 ng hapon nito lamang Sabado, Marso 26, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Glicerio Cansilao, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office, kasama ang miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers at mga lokal na pamahalaan ng bayan.
200 na indibidwal ang nakatanggap ng food packs, grocery items at tsinelas.
Nagsagawa din ang pulisya ng libreng gupit at nagbigay kaalaman patungkol sa Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act.
Samantala, nasa 200 na calamansi plants naman ang ipinagkaloob ng Municipal Agriculture sa mga residente.
Naging matagumpay ang aktibidad dahil sa pakikipagtulungan ng Foreign National Keepers Network, National Coalition of Information Technology Advocate for Change, LGBTQ, Faithbased Group, Kabataan Kontra Droga at Terorismo, KALIGKASAN, Isang Daan Para sa Dagat, Force Multipliers, Women’s Group, at Barangay Based Group ng Mataas na Kahoy.
Bukod dito, dumalo din si Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, Deputy Chief PNP for Administration, bilang panauhing pandangal na nagbigay din ng mensahe ukol sa nasabing aktibidad.
Nagpapasalamat ang Pambansang Pulisya sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan at Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers sa tulong at suporta nila sa mga programa ng pulisya.
Hinihikayat din ang mga mamamayan na makipagtulungan at makiisa para sa seguridad, tahimik at maayos na pamayanan.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon
May puso at malasakit talaga ang PNP