Taytay, Rizal – Naaresto ang dalawang Top Most Wanted Person (Provincial Level) ng Rizal sa isinagawang operasyon ng kapulisan ng Rizal nito lamang Miyerkules, Marso 23, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director, Rizal Police Provincial Office, ang dalawang nadakip na sina Mauricio Escarilla y Ellano, 52, Top 1 Most Wanted Person at Albert Espinilla y Calimutan, 29, Top 2 Most Wanted Person.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 10:30 ng umaga nadakip si Escarilla ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case Number 04-27439 na inisyu ni Judge Mauricio M Rivera ng Regional Trial Court Branch 73 Antipolo City noong February 18, 2004 at walang nirekomendang piyansa.
Ayon pa kay PCol Baccay, bandang 12:30 ng tanghali nadakip naman si Espinilla sa Blk 28 Damayan Floodway, Brgy San Juan, Taytay, Rizal ng pinagsanib puwersa ng Taytay MPS, Highway Patrol Group-Rizal, Criminal Investigation and Detection Group, Regional Mobile Force Battalion 4A, at 34th Special Action Company.
Aniya pa ni PCol Baccay, si Espinilla ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape sa ilalim ng Criminal Case number 21-76881-82 na inisyu ni Hon. Judge Aileen Liza Mamasabalud David ng Regional Trial Court Branch 137 Antipolo, City noong December 01, 2021 na wala ring nirekomendang piyansa.
Hinimok naman ni PCol Baccay ang kapulisan ng Rizal na paigtingin pa lalo ang implementasyon ng kampanya laban sa mga Most Wanted Person, upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima at ang kanilang pamilya.
Source: Rizal Police Provincial Office PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Ronald V Condes