Mambajao, Camiguin – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang pulisya ng Camiguin Police Provincial Office na nilahukan ng mga kawani ng gobyerno kaugnay sa Women’s Month Celebration nito lamang Biyernes ng 6:00 ng umaga, Marso 25, 2022 sa Brgy. Balbagon, Mambajao, Camiguin.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jovane Cabusas, Deputy Provincial Director for Operations, Camiguin Police Provincial Office kasama ang mga kawani mula sa Department of Environment and Natural Resources-Camiguin; Barangay Officials at Health Workers ng Brgy. Balbagon, Mambajao, Camiguin.
Tinatayang nasa 50 pirasong macsa tree at 50 danggas species ang naitanim.
Ang programa ay alinsunod sa PNP Core Values, ang “Makakalikasan”. Mandato ng Pambansang Pulisya na pangalagaan ang kapaligiran.
Nagpasalamat naman ang PNP sa suportang pinakita ng komunidad para mapanatiling luntian ang ating kapaligiran.
Source: Camiguin Police Provincial Office
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville L Ortiz
Goof job PNP!