Pasig City — Higit Php112,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust ng mga alagad ng batas sa Pasig City nitong umaga ng Biyernes, Marso 25, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Orlando Yebra Jr, District Director ng Eastern Police District (EPD) ang suspek na si Alladin Ismael y Manda alyas “Aladdin”.
Ayon kay PBGen Yebra Jr, dakong 12:45 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa Asilio Vile, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City ng Station Drug Enforcement Unit na pinangunahan ni PLt Kenny Khamar Khayad.
Ayon pa kay PBGen Yebra Jr, nasamsam sa suspek ang 16.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang Php112,200 ang halaga at Php200 na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni General Yebra Jr na walang humpay na paiigtingin ng kapulisan ang kampanya kontra ilegal na droga sa bagong bersyon nito na Anti-Illegal Drugs Operation thru Reinforcement and Education (ADORE).
###