Pumapalaot ang mga tauhan ng 2nd Davao Occidental Provincial Mobile Force Company na pinamunuan ni PLt Edrus D Sampawan sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Mark Lester R Jalon, OIC Force Commander upang mamahagi ng ayuda sa mga mangingisda at residente ng kanilang nasasakupan sa ilalim ng programang BARANGAYanihan sa Davao Occidental noong ika-8 ng Oktubre, 2021.
Ang mga nasabing ayuda ay naglalaman ng bigas at mga de-lata upang kahit papaano ay makapagbigay ng kaunting tulong sa bawat pamilya sa lugar lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Patuloy naman na pinaalalahanan ng 2nd DOcPMFC ang bawat residente na mag-ingat at sundin ang mga health protocols laban sa banta ng COVID-19, gayundin ang protektahan ang karagatang kanilang pinagkukuhanan ng yaman sa pamamagitan ng pangingisda ng tama at naaayon sa batas lalo na ang pag-iingat sa kapaligiran at pagmimintina sa kalinisan nito.
Ang bawat sangay ng PNP ay nagsasagawa ng ibat’ ibang programa para lamang makatulong sa kapwa. Kaya sa tulong at suporta ng komunidad ay mapagtatagumpayan at malalagpasan natin ang bawat pagsubok na dumating.
#####
 Article by Police Corporal Mary Metche A Moraera