Pasig City – Tinatayang Php316,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa buy-bust ng Pasig PNP nito lamang Huwebes, Marso 24, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Orlando Yebra Jr, District Director ng Eastern Police District (EPD) ang suspek na si Jorrenz Malate y Platon alyas “Jo”.
Ayon kay PBGen Yebra Jr, bandang alas- 9:00 ng gabi naaresto ang suspek sa Palatiw Bilog-kanan, Palatiw Circle, Brgy. Palatiw, Pasig City sa pinagsanib puwersa ng EPD DDEU, DID, DSOU, DECU, EPD/F2, DMFB EPD, 7th MFC RMFB, NCRPO at PCADAO.
Nakumpiska sa suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng substance na hinihinalang shabu na may timbang na 47 gramo at tinatayang Php319,600 ang halaga, isang Php500 bill at 12 na piraso na Php1,000 bilang boodle money, at isang violet na pitaka.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni Police Brigadier General Yebra, Jr na lalong paiigtingin ng EPD PNP ang kampanya kontra ilegal na droga at mapanagot ang mga hindi tumatalima sa batas.
Source: NCRPO SMS REF# 3-24-2022-1340
###
Salute sa lahat ng mabubuting pulis at tapat sa kanilang trabaho.
Galing more power PNP